" SI JANET KAKANGITNGET - MOMbisyosa

MOMbisyosa

useful life tips and lessons for dear kababayans

Monday, September 2, 2013

SI JANET KAKANGITNGET

Heard some news again over the taxi radio on my way to Makati Med.  "She's" done it again.   Oh well, found myself writing this piece while waiting for my number to be called out at the Maxicare clinic...   hehehe Sorry po for a few harsh words... hope they're covered by what's known as poetic license... :D 


Nagsimula pa pala nung taong dalawang libo y tres
Nang si Jganidt ay nagkainteres na magkamal ng labis labis
Grabe, wala nga yatang ka-conscience conscience
Sandamakmak ang nanakaw sa kaban ng bayan, such an utter atrociousness!

Ang pagiging shameless nag-evolve sa pagiging heartless
Pinsan na would-be competitor, plano pang i-abolish
Ayan tuloy, same pinsan ay kumanta, thank you, gracious goodness
Na-expose pork barrel scam na ang involved ay ilan sa congress.

Image and video hosting by TinyPic

May isa siyang anak, post pa ng post ng lifestyle na superlavish
Clueless yata na ang pamilya nila ay illgotten ang assets at riches
Taong bayan lalong nagpuyos ang inis
Kelangan na talaga na si Jganidt ay ma-pulis!

Grrr, grrr, grrr  bakit nga hindi ka mag hahyperventilate?
Roads, hospitals, schools... ang daming mabibuild sana ng sampung bilyones!
Kaya mga tao, nagka-isa at nag martsa sa Luneta noong August 26
Napaiyak sa sama ng loob, all clamoring for economic and social justice

At dahil nga nagtago si Mrs. Napoles,
Sa ulo’y ipinataw, sampung milyones
Sumuko sa presidente dahil sa buhay niya raw ay may threat
Pero di nga raw kaya kamag-anak din ang sa bounty ay mag-take (hayy, naku)

Now, mga kasabwat sa senado ay full of regrets
Silang manggagantso, kanya kanya ang kunway pagpapa-press-conference
Resign!! Malakas na panawagan ng enraged masses
Kailangang managot sa bayan ang mga damontres

Matapos mangwaldas at mangkupit
Si Jganidt Napoles ngayo’y naka-pi-it
Nasaan na kaya ang mga kasama niyang thick-faced??
Aamin na raw??
Yan sa ngayon ay isang napakalaking chenez!



10 For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith and pierced themselves with many griefs. 1 Timothy 6:10

 - September 2, 2013

Comment Policy