" FINDING THE FREEDOM IN FORGIVENESS - MOMbisyosa

MOMbisyosa

useful life tips and lessons for dear kababayans

Friday, August 8, 2014

FINDING THE FREEDOM IN FORGIVENESS

Bakit nga kaya ang hirap magpatawad ano? Kasi naapi ka, nasaktan, tinamaan yung ego. Kasi inabuso yung tiwala mo. Kasi paulit ulit...

Marahil kung perfect (hindi nagkakamali) ang isang tao, baka understandable pa na mahirapan siyang mapatawad, kasi may katwiran siyang mag-isip na "Eh, pwede naman na hindi magkamali eh. Tulad ko!" ... pero may ganun ba??

Wala!


Forgive and be free

Dami din kaya nating kapalpakan. Yet the Lord has always been forgiving...

Hindi nga kaya't ganun din dapat tayo sa kapwa?

Meron pa ngang iba, hinihintay pa na dumating yung paghihingalo bago bitawan yung "I forgive you". Bibitawan din pala, bakit hihintayin pa yung last minute?

Mahirap kung sa mahirap ang magpatawad. Easier said than done. Ang tanong, hindi bagat mas mahirap ang hindi magpatawad? Kasi whether you admit it or not, may dala dala kang kabigatan sa puso. Isa pa, yung ampalaya sa dibdib mo, mamumunga pa until di mo na alam kung bakit miserable ang pakiramdam mo.

May kalayaan sa pagpapatawad. Ang unang lumalaya ay tayo.

Tama si Lord.


Colossians 3:13
Bear with each other and forgive whatever grievances you may have against one another. Forgive as the Lord forgave you.

Comment Policy