" Repost: FINDING THE FREEDOM IN FORGIVENESS and " #HALIK " - MOMbisyosa

MOMbisyosa

useful life tips and lessons for dear kababayans

Saturday, December 8, 2018

Repost: FINDING THE FREEDOM IN FORGIVENESS and " #HALIK "

Republishing this blog entry I did a few years back

August 8, 2014

Bakit nga kaya ang hirap magpatawad ano? Kasi naapi ka, nasaktan, tinamaan yung ego. Kasi inabuso yung tiwala mo. Kasi paulit ulit...

Marahil kung perfect (hindi nagkakamali) ang isang tao, baka understandable pa na mahirapan siyang mapatawad, kasi may katwiran siyang mag-isip na "Eh, pwede naman na hindi magkamali eh. Tulad ko!" ... pero may ganun ba??

Wala!

finding freedom in forgiveness

Forgive and be free

Dami din kaya nating kapalpakan. Yet the Lord has always been forgiving...

Hindi nga kaya't ganun din dapat tayo sa kapwa?

Meron pa ngang iba, hinihintay pa na dumating yung paghihingalo bago bitawan yung "I forgive you". Bibitawan din pala, bakit hihintayin pa yung last minute?

Mahirap kung sa mahirap ang magpatawad. Easier said than done. Pero utos ni Lord...

Ang tanong, hindi bagat mas mahirap ang hindi magpatawad? Kasi whether we admit it or not, may dala dala tayong kabigatan sa puso. Isa pa, yung ampalaya sa dibdib natin, pwedeng mamunga until di na natin alam kung bakit miserable ang pakiramdam natin. Walang peace. Studies show people unwilling to extend forgiveness to someone who has done them harm will often withdraw from social relationships and tend to experience deep loneliness.

May kalayaan sa pagpapatawad. Ang unang lumalaya ay tayo.

Tama si Lord.

Colossians 3:13

Bear with each other and forgive whatever grievances you may have against one another. Forgive as the Lord forgave you.



-----------------------------------

December 8, 2018

"Fearless" Update today: (related to the latest episode of Halik on ABS CBN)

So tama si Nanay Dolor, tama si Lino, ganun??? Ang masasabi ko muna dito ay as of this writing, hindi pa natin alam kung nagkapatawaran o nagkabalikan na si Lino at Jade. Kasi pwede naman na kinupkop lang pansamantala dahil sa maselang kalagayan niya. (nakunan na kasi si Jade dati). Peace!

Walang kasing sakit ang pagtaksilan.. Sa daming di magandang nangyari, justified kung mauuwi sa paghihiwalay, even pagkakulong ng nagkasala.

Naisip ko lang: kinasal si Lino at Jade di ba? Nag sign sila ng covenant na "for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance..."

Yung "sickness", hindi ba pwedeng "spiritual sickness"?? The wife has been spiritually sick.

Kung ano man ang tinutumbok ng istorya, napansin ba natin na nasa gitna ang God factor? Mahaba ang scene kung saan makikitang nagdadasal si Nanay Dolor. Then si Lino sa loob ng church...

Posible na piliin ni Lino ang lumaya... hindi kay Jade kundi sa gapos ng hindi pagpapatawad.

Di ko dinadamay si Lord sa usapan, pero di ba? Tama lagi si Lord.

Home & Living - Top Blogs Philippines

Comment Policy